Friday, March 6, 2009

Toxic

Ano ba yan. Patapos na ang ibang school. Nagka-count down na sila para sa summer vacation, samantalang kami, ako, eto at nangangarag pa din sa dami ng requirements na kapag tinamad ako, goodbye dean's list na ang mangyayari sa buhay ko. Toxic na kung tutuusin ang mga pinapagawa sa amin. 

FSTUDY5: Gumawa ng assessment tool na i-implement sa chosen class. Hindi to problema kasi ang bait nung sa school na napuntahan namin. KASO, MONDAY na daw namin i-implement, sabi nung teacher, periodicals na daw kaso. KAMON. Last wednesday lang to sinabi sa amin. Akala namin, next week pa kami gagawa. Ayy grabe naman talaga. Hassle. Buti na lang AC ang REMDENG. Kaya after ASESLE1 [8:00-930] eh punta na agad kami sa KABAYANAN [San Juan] para magturo. Nakakaloka. May hinahabol pa kami pabalik gawa nung sa LANGRES. naloloka na ako ha.

AFROASN: Gumawa ng literary criticism sa alinman sa apat na libro na pinapabasa niya. Yung akin, CONCISE CHINESE-ENGLISH DICTIONARY FOR LOVERS. Erotic. Mawawala ang grammar skills pag binasa ito. Makikita ang difference ng Western and Eastern Culture. Anyway, ok naman sana to kaso. WALA AKONG BACKGROUND KUNG PAANO MAG CRITIQUE NG ISANG LITERARY TEXT. Ang inaasahan ko kasi na magtuturo sa amin, itago na lang natin sa pangalan MS. CUTIFY-YOUR-WORK, eh pinagturo ba naman kami sa mga LIT CLASSES nang hindi man lang kami tinuturuan kung paano ang magturo ng lit. Ayos di ba? Sa ngayon, medyo ngarag pa ako kasi hindi ko alam kung paano ko ipapasok ung theory ko. Tapos, nahihirapan akong magpaliwanag. Sana, matapos ko to ngayon para mamaya, FILKOMU naman.

FILKOMU: Sagutan ang mga tanong tungkol sa pinanood na dula, SAN TAYO DADALHIN NG DISYEMBRE?. Nakakalito ung play, pero ok lang naman siya. Nahihirapan lang ako dun sa pali-paliwanag. HIndi naman kasi ako nakinig ng ayos. Nakakaantok eh. Tapos, wala. Hindi ko feel ang mga ganitong activity. Aanhin pa ba nila ang opinyon kung hindi naman nila babaguhin ung paraan ng pagpapalabas nila?

EDUCRSC: hay. ITO ANG PINAKABORING NA CLASS NA NAPASUKAN KO, EVER! Pag ito nang klaseng to, wala, TIME FLIES REAL SLOW. Grabe. Wala. Wala akong natututunan dito. Nagkakaroon lang ako ng kasalanan pag anfito ako sa klaseng ito. Grabe talaga.EDNA-MODE. HIndi ko siya kinakaya. Paano pa kaya namin matatapos ang aming research study kung puro sya lecture ng mga bagay na sa tingin ko, makakalimutan din namin? Anu ba yan! 

LANGRES: Isa pa to. NAloloka na ako sa mga RRL. Sana kasi, imbes na pinagreport niya kami ay eto na lang iyung pinagawa niya kasi kinakapos na kami sa oras. Magsasara na yung mga schools kasi summer vacation na. Naloloka na talaga ako ah. TAMA BANG PAGSABAYIN ANG 2 RESEARCH COURSE SA ISANG TERM???????

REMDENG: Ang aming case study class. Naaawa na ako sa participant namin kasi parang nabibigyan din namin sya ng extra work load. Pero babawi na lang kami sa kanya sa pamamagitan ng token of appreciation. Anyway, buti at medyo naayos na namin to ni mylove. Sinisimulan ko na din kasi ayaw ko nang magcram. Pati kailangan kong bumawi. Ito ang magsasalba sa grade ko.

ASESLE1: Ang TEST PROJECT. Haaay. Tinatamad akong mag-edit pero kailangan. Anu ba yan. Pero kung tutuusin, ams madali to kesa dun sa class ni Mr. MAGNO. Numbers. Graph. Kurtosis. WAAAH! Nakakaloka! Masaya na ako kay Ms. Lara :D

KASPIL2: WAAAH. Patapos na ang term ay hindi pa rin namin narereceive iyung mail galing sa kanya. Hindi pa rin namin nasasagutan iyung mga research questions at nakakagwa ng written report. Grabe talaga ang mga nangyayari ngayon. MAy jinx ata mga account namin. Yung sa group lang namin iyung hindi niya nasesendan. Feeling na niya siguro, pinagkakaisahan na namin siya. BOO.

Kailan kaya matatapos ang term na to? Ito na kasi ang pinaka sa lahat. Grabe. Hassle. Hinahanda na kami sa hassle THIRD YEAR LIFE. Sana kayanin ko pa, namin. Woo!

No comments: