Aray. Iyan na ang ikalawa sa pinakamasakit na sinabi niya. Ang sakit.
Kung sa bagay, ano nga naman ba ang karapatan niyang umiyak? SIya naman ang nagsabi na huwag na muna magtext ah. Pero may matinong bang lalaki na matitiis na hindi magtext? Na susundin ang lahat ng sinabi ng babae? Paano kung sinabi niya na magpakamatay na lang siya. gagawin din ba niya?
Ang hirap.
Iiyak iyak siya ngayon kasi nasasaktan siya sa mga nangyari. Kasi iyon din lang ang alam niyang gawin para kahit paano mailabas niya lahat ng sama ng loob niya. Kasi iyon lang iyong naiisip niyang paraan para hindi ka niya masumbatan. Kasi para sa kanya, mas mabuti pang umiyak na lang siya kaysa sabihin sa kanya lahat ng hinanakit niya. Kasi sa pag-iyak, doon niya mas nailalabas kung anu man ang nararamdaman niya, bukod sa pagsusulat niya ng mga ganito at pagkukwento sa ilang malalapit na kaibigan.
Iiyak iyak siya ngayon kasi hindi niya akalain na matitiis siya ng ganoon. HIndi niya akalain na parang nabalewala lang ang halos tatlong taon na.. Na tila ba wala na lang iyon sa kanya. Hindi niya akalain na ganoon na lang siya kadaling balewalain. Hindi niya akalain na sobrang isasampal sa kanya na wala siyang halaga. Na wala siyang kwenta. Na wala lang siya. Higit pa sa mahigit na isandaang saksak ang natamo niya sa sobrang sakit.
Iiyak iyak siya ngayon kasi sobra siyang nasaktan. Kasi sobra niyang mahal si.. Kasi nawala ung kalahati ng mundo niya. Kasi unti-unti nang pumapasok sa kanya na wala nang magagawa. Kasi ibinuhos niya ang lahat ng kaya niyang ibigay sa kanya, na kahit konti, wala na siyang naitira para sa kanila.
Kung iiyak iyak man siya ngayon, kasalanan din niya. Pero sana, huwag naman isampal ng buong-buo na siya lang ang may kasalanan ng lahat.
Hindi niya alam kung kailan magiging maayos lahat. Kung kailan siya babalik sa dati. Kung hanggang kailang siya iiyak iyak. Pati nga kung magmamahal pa ulit sya, hindi na niya alam. Naiisip na niya, mas mabuti pang mag-isa na lang, kasi yung sarili niya, hindi siya iiwan. Ayaw pa naman niya ang iniiwan. Ayaw na ayaw pa naman niya ang pakiramdam ng nag-iisa.