hindi kita iniwan. hinding hindi kita iiwan. lumayo lang ako kasi kailangan kong mag-heal. kung tutuloy tayo ng mahina ako, masusumbatan lang kita. magaaway lang tayo. hindi kita iniwan. hindi. hindi ko magagawang sirain iyong promise ko sayo. never. nunca. masyado na kitang mahal para gawin ko yun. mahal kita. wag mo isipin na iiwan kita. hindi. ikakamatay ko yun. hayaan mo lang na magheal ako. give me 100 days. ayokong bumalik sayo na masusumbatan kita dahil nangyari ang mga bagay-bagay. maniwala ka sa akin. ginagawa ko to di lang para sa akin kung di para sa atin din. ayoko dumating iyong time na iisipin natin na we're not meant for each other, gaya ng iniisip mo ngayon. ayusin muna natin ang mga sarili natin.
sa loob ng 100days, magkakaroon tayo ng oras na amg-isip. pero kung di mo kaya. kung tingin mo balewala na, sabihin mo sa akin agad, wag mo na hintayin ung ika 100th day. wag mong hintayin na dadating dun sa point na mas mahal pa kita ngayon at di ko na kayang i-let go ka.
mahal kita kevin. mahal na mahal. hindi ko maipipilit sayo na wag mong isipin ang mga naiisip mo ngayon kasi isip mo yan. wala akong magagawa, pero sana lang. maniwala ka sa gagawin ko ngayon. masakit. sobra tayong nasasaktan. pero kailangan para maging mas matatag tayo. hindi sapat yung mga napagdaanan na natin. kevin. mahal na mahal kita. kung may gusto man ako na makasama in the future, ikaw na yon. iloooveyousomuch. mamimiss kita. ngayon pa lang.
iniiyakan na naman kita, di ka naman patay. hay. ang hirap. tuwing mag-iisa ako, ikaw na lang lagi asa isip ko. out of the blue, biglang kang sisingit sautak ko at iiyak na lang ako bigla. ito ang pinakamahirap na desisyon na nagawa ko. sana, suportahan mo ako.
mahal kita kevin.walang magbabago. ako pa rin ang armine mo.