Monday, October 20, 2008

SIGNS

hell. simula kagabi, badtrip na ako. sino ba naman ang hindi mababadtrip. makikipagayos ka tapos ung kausap mo sana, hindi ka man lang pinapansin. ang napapansin lang, ung pagkakamali mo. ung mga ayaw niya sayo. great. buti pa un nakikita niya di ba. naiirita talaga ako kagabi pa lang. sabi ko "wala na talaga."
tapos kaninang umaga, ang weird. sabi ko la ng chance. aba naman ang tshirt ko. "THERE WILL ALWAYS BE CHANCES".nakanang. nananadya ba yan? isa pa. papunta ko kina shai sa lib, sabi ko hindi ko na ikukwento kung anu man ung nangyari nung may tumawag sa akin. aba, biglang may nagtext. si anu. kamusta daw. well. hindi ako ok. pero hindi ko na nireplayan. mainit ulo ko. pero aminado. napangiti naman ako. direct text un from THERE. at hindi naman un talagang nagtetext eh. minsanan lang. uhm hindi. BIHIRA. 2nd text lang niya un sa akin eh. un na. kinuwento ko yan kay mar. sabi niya, signs daw. sabi ko, nyak. sabi ko na lang, isang unique na mangyayari sa akin, signs nga un. aba, ang weeeeeeeird. nung pauwi na ako ng batangas, may RAINBOW. what the???!! rainbow eh hindi naman umulan. o hindi ko lang napansin. ang weird talaga kasi ang dilim tapos ung araw parang nagpapacute pa kasi kalat ung sinag siya.
soo. ayun na nga. may nakita akong weird. una SHIRT, then ung TEXT tapos un RAINBOW. anu naman ngayon? sa totoo lang, ewan ko. bahala na si batman. basta nafifeel ko ung nararamdaman ng friend ko ngayon. malaking porsyento nun love ung nawala. as in. kung date 100++%, ngayon, around 30% na lang. nyah. sinukat? nako. echos lang yan. pampahaba ng entry nato. :P