Wednesday, October 15, 2008

HUMALIT [question1]

inaalyze ko yan ngayon. madali ba? tulungan mo nga ako.

Isang Mundo, Isang Awit

Ngayon mundo'y gulung-gulo
At lahat tayo'y litung-lito
Pag-ibig sa kapwa tao
Sa daigdig dapat ituro
Kung bawa't puso mayroong pagmamahal
Kapayapaa't kasiyahan tiyak na makakamtan

Lahat tayo'y pantay-pantay
Sa biyaya ng Maykapal
Lahat sana'y akbay-akbay
Handang tumulong kanino man
Kung bawat tao ay marunong magmahal
Ano mang kulay o salita
Tiyak na makiki-isa

Je t'aime, te amo, I love you
Watashi wa anata o aistomasu
Ich liebe dich, iniibig kita
Gua ay di
Paano man sabihin
Ang mundo'y turuan natin
Tanging lunas ang pag-ibig
Isang mundo, isang awit

Isang sigaw, Pag-ibig.

Bibliography

Leah Navarro. OPM Pinoy . 14 October 2008 .

my birthday entry for his 18th birthday[101408] :)

i shall greet you a happy birthday

haynako. 18 ka na. marami ka nang pwedeng gawin. uminom [na matagal mo na ding ginagawa] mag yosi [masasapak naman talaga kita pag ginawa mo to oh], mag bar [wuuu! excited na sya dun!] mambuntis [papatayin ko ang aanakan mo!] makulong [sasapakin pa kita pag nangyari nga to!!!], mag asawa [ipapakulam naman talaga kita oh!] at kung anu-anu pa. sana lang eh kasama sa pwede mong gawin eh tumulong sa mga gawaing bahay, ayos na din na may alam ka para naman maging handa ka na sa future no. mahirap ung walang alam tssssk.

hmm. wish ko? sana, ngayong 18 ka na kahit paano eh alam mo na ung GREATEST DREAM mo para naman lalo kang mainspire sa mga ginagawa mo ngayon, alam mo, ako, ang greatest dream ko eh ang makapagpatayo ng isang school for the special children. wala lang, share ko lang. dahil sa dream na yan, naiinspire ako na amg-aral kahit na supeer nahihirapan na ako. oh well. kaya ko to. kkaya ikaw, kayanin mo din. sana ok an grades mo dyan. unahin mo muna ang pag-aaral kesa sa lakwatsa ha? nako. uupakan kita talaga pag nagloko ka dyan. kahit na sabihin pa natin na libre ung tutition mo eh hindi pa rin maganda na madelay ka pa ng isang taon. sayang ang oras no. TIME IS PRECIOUS.

natatawa naman ako sa isinusulat ko, para akong nanay na ngangaral sa anak. ewan ko ba. tingin ko kasi sayo, sa mga panahon na ito, kailangan mo pa ng "guide" kasi medyo naguguluhan ka pa. pero alam ko naman na hindi habang buhay eh kailangan mo ng "guide" kasi meron ka namang pag-iisip para magdesisyon para sa asraili mo. ang sa akin lang naman eh maging maayos ang lahat para sayo. sya nga pala, ayon dun sa nabansang kong commentary kagabi. THERE ARE NO RIGHT CHOICEs--only CHANCE and CHOSEN choices.

natutuwa ako. 18 ka na. welcome ka na sa world ng mga legal age. uhm, sana lang, hindi ka magbago. uhm mali. sana ung kwelang kevin, andyan pa rin. ung iba naman sympre dpat baguhin. ika nga nila, CHANGE FOR THE BETTER AND NOT FOR THE WORST. pero sympre, gaya nga nun sinabi ko, desisyon mo pa rin ung masusunod. ikaw pa rin ung makakpagsabi kung magbabago ka nga ba kasi walang sinuman ang pwedeng pumilit sayo. bakit? buhay mo naman yan eh. basta tatandaan mo na sa bawat gawin mo, maaring may masaktan at masiyahan. pero wag kang matatakot na baka may masaktan ka kaya hindi mo na gagawin ang isang bagay. alam mo na naman kasi sa sarili mo kung ano ang tama at mali. sundin mo ung prinsipyo mo. pero wag mong kalimutan na sundin ung totoo mong boss, Siya.

uhm, sya nga pala. pasensya ka na nga pala at hindi pa ako makabalik sa'yo ngayon. masakit din kasi ung nangyari para sa akin. may mga bagay na nagbago. mahirap naman kung ipipilit natin di ba? baka lalong hindi mag work. sa ngayon, hayaan na muna natin na ganito. wala naman sigurong mawawala eh. kailangan muna natin maibalik ung ibang foundation ng relationship bago tayo bumalik sa dati. inaamin ko, andun pa rin ung love. pero ang prblema kasi, hindi na kagaya ng dati. ayoko namang magsinungaling sayo na walang nagbago kasi meron nga. at malaki din ang pagbabago na yun. ayoko namang magpretend. pareho lang tayong mahihirapan nun. uhm, sorry kung nasasaktan ka na. wala eh. hindi ko pa kaya. ung paghihinitay na gagawin mo, ikaw ang bahala dun. hindi kita pipigilan. sabi ko nga, desiyon mo ang masusunod.

isa pa. wag ka lagi malungkot dyan. hindi naman aayos ang lahat kung magmukmuk lang, d ba? ngumiti ka kahit nalulungkot ka nu. panget ang nakasimangot. walang mararating ang kulubot mong labi. dapat smile lang para gwapo tingnan, ok?

ang haba na nito. ang gusto ko lang naman sabihin eh magpakasaya ka at maging handa sa lahat ng pagbabago ngayong 18 ka na.

happy birthday bhy. gihiguma ko ikaw :P

BLOGSITE

nyahnyahnyah. ang engeng ko talaga. imbes na pagbuhusan ko ng pansin ung HUMALIT at LITEACH eh ito ang inuuna ko. wala eh. ayaw nang mag isip nag utak ko kapag ACADS ang pinag uusapan. iba naman daw para naman malibang ako. kalokohan nu? wala eh. naisipan kong tambakan ng blogs ngayon to.

ang weird. ang damin kong blogsite. ito. wordpress. friendster. multiply. eh minsan naman, copy paste lang ung mga andun. hindi ko alam kung ano ang meron sa mga blogsites at naadik ako. kahit nga plurk at twitter, pinatulan ko. siguro, ganun lang talaga ako kadaldal na hindi na ako nakuntento sa pagsasalita, pati ang technology, ginagamit ko para "makapagsalita" ako.

well. enjoy naman ako pag nagbablog. parang nalalbas ko ang lahat. hindi naman ako ung tipo ng blogger na may patatamaan dito at sasbaihan ng kung anu2, ung mga tama lang. kasi alam ko, ung mga ganung bagay, hindi tama na ipublish sa mga ganito. unethical, sa palagay ko.

sa tingin ko naman eh ayos akong blogger. kahit na minsan eh taglish eh ayos pa rin. ewan ko ba. kaya ko naman magsulat gamit ang wikang Ingles pero mas nasisiyahan ako pag Tagalog ang gamit ko. para bang mas nasasabi ko ang lahat ng gusto kong sabihin. hindi na ako nahihirapan pang mag-isip. [kaya nga nagtataka ako kung bakit BSE-ENG ang kinuha ko eh mas gusto ko naman ang Filipino.]

balik tayo sa mga blogsites. sa tingin ko, ang mga blogsites ko ang aking confidante. kasi, alam nila lahat kahit na hindi ko inilalabas ung lahat ng gusto kong sabihin. hindi rin sila nagrereact ng bonggang bongga pero kahit paano naman eh nakikinig sila. ung tipong kahit gaano kahaba ang kwento mo at kawalang kwenta eh hindi ka nila iiwan mag isa. makikinig lang sila hanggat tapos ka na. hindi ko naman sinasabi na ung mga kaibigan ko ngayon eh mga hindi maaasahan pero iba kasi talaga pag nagbablog ko. "uplifting" ung pakiramdam ko. sobra. natutuwa akong magsulat kahit na minsan eh wala naman talaga akong gustong isulat.

nakakatawa talaga ako. madaldal na nga, engeng pa. hehehe :P

grrr.

hindi ko pa rin pinapansin mga kasama ko sa bahay simula nung pag-uwi ko last sunday. nakakairita naman talaga kasi. tuwing uuwi nga ako o tinatawagan ni mommy eh nakataas ung kilay ko. ewan ko ba. nakakainis talaga.

puro na lang simula.

haynako. heto na naman ako, nambibitin ng trabaho. tsssk. masama ito. may oras pa naman ako pero hindi na kinakaya ng utak ko. hindi ko nga ba maintindihan eh. ung sa LITEACH, medyo kaya ko nang gawin kanina hindi ko pa nagawa. ung sa HUMALIT naman, ganun din.

ako talaga oh, puro simula na lang lagi. nako. sana lang eh matapos ko ng ayos. ayoko nang mag cram eh. nakakapagod. ang hirap din. tsk. kailan kaya dadating ung araw na pag may inumpisahan ako eh tatapusin ko agad? nako. matagal pa ata. kasi naman. ung utak ko din eh. kakaiba. pag sinabi nang hindi na siya mag-iisip, hindi na talaga. kahit na gusto pa ng katawan ko na gumawa. wala din nangyayari. wala naman kasing nagiisip kung anong gagawin niya eh.

nako naman oh. haaaaay. sana lang talaga matapos ko lahat ng nasimulan ko bago mag nextweek. oo nga at mahaba pa ang araw pero TIME IS PRECIOUS. hindi lang HUMALIT at LITEACH ang class ko. dapat by tomorrow eh tapos ko na ung dalawang to. kahit na gabihin ako ng uwi at umagahin sa tapat ng computer. wala eh. kailangan gumana ng utak ko.

haynakoooo. sa mga panahong ganito, naiisip ko talaga ang LAPTOP. ewan ko ba. kung may laptop lang sana ako, kahit saan pwede ko na gawin. nakakatamad na din naman kasing magsulat eh. pero anu pa nga ba ang gagawin ko kundi magtiis. mag draft sa papel. wala eh. ayoko naman ipagpilitan ung gusto ko. saka na siguro ako magkakaroon ng ganun kahit na naiinggit na ako sa classmates ko. oh well. ganun talaga siguro. pero at least, hindi pa naman ako nilalamon ng inngit na un. kontrolado ko pa. ayos pa naman. heheh. :) ang dami ko nang nasabi, ang gusto ko lang naman sabihin eh. SANA MATAPOS KO NA ANG LITEACH AT HUMALIT KO.