hay. ang hirap. ang sakit. hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. alam ko naman sa sarili ko na marami talaga akong nasasabi pag galit ako. minsan totoo, minsan o.a na,. kaya nga pag galit ako eh nananahimik lang ako. nagpapalipas ng kung anu mang hangin meron sa utak ko. sympre. ayaw ko naman masabak sa gulo. masyado na akong busy sa acads para naman sa bagong mga issue. haaay. pero kay kevin, hindi. hindi naman kasi ako naglilihim sa kanya eh. pag nagtatanong sya, sinasagot ko agad ng diretso. kaya ayun, nagkakagulo na. haaay. hindi ko na alam ung mangyayari sa amin. sweet now, mad later ung drama namin.haaay. napapagod na din naman ako. ang gulo na eh. ibinigay ko na sa kanya ung paglayo. sya naman ung lumalapit ngayon. nagpapaliwanag siya, nagpapaliwanag din ako. nagkataon na iba ung gusto namin. pinagbigayn pa rin naman namin, tapos. eto na nga. wala na nga siguro talaga. bakit ba ipipilit ang isang bagay na pareho naman kayong nasasaktan? baka sakaling mauwi sa maganda ang lahat? hindi ko alam. ang alam ko ngayon, handa ko nang isuko ang lahat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment