hindi na ako nagulat dun sa desisyon mo na maglayo muna tayo. ganun naman lagi desisyon mo pag nagkakaganito tayo eh. ang tanga ko lang para isipin na magkakaayos pa tayo. pero hindi. napatunayan nito sa akin na hindi hamak na mas mahalaga ung pride mo kaysa sa akin. alam ko, nasasaktan ka pag nag-aaway tayo pero alam mo din ba na nasasaktan ako? akala ko, ako ung mahina sa atin. hindi pala. ikaw ang unang sumuko. ikaw. tapos sinanasabi mo na hintayin kita pagbalik mo? hindi ako martir. inaamin ko, mahal kita ng sobra pero itng ginawa mo sa akin. walang katulad. walang kasing sakit. salamat ha. hindi ko akalain na sa lahat, ikaw pa ang makakagawa nito. daig pa nito ung nalaman ko na niloloko lang ako ni j****. grabe..
LAYO ang ang gutso mo di ba? sige. lalayo ako. ung sobrang layo sa iyo/ ung hindi mo na ako makikita. wala ka nang maririnig sa akin. wala na. LAYO di ba??? sige. ngayon, hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko. hindi na. muli, itinaboy mo ako. hindi na ako lalapit sayo. tama na ang ilang beses mong pagtaboy sa akin. tama na. hindi ko na kaya.
ikaw ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon. ikaw ang dahilan kung bakit ako sumuko. ikaw. nung una, alam ko. kasalanan ko. pero ngayon? ikaw na. iniintay kita gabi2. nagmemessage ako. nagbablog ako. anu gingawa mo? wala. tama nang ito na ang huling blog na mababasa mo tungkol sa nararamdaman ko tungkol sayo.
kung ako sayo, wag ka nang umasa sa akin kasi hindi mo alam ung sakit na ginawa mo. sige.
YOU'VE LOST ME.
No comments:
Post a Comment